Asahan pa rin daw ang volatility o ang taas-babang presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.
Sinabi ito ni Department of Energy Dir. Rino Abad sa harap ng nakaambang muling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.
Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni Abad na tataas ng 1.75 sentimo ang kada litro ng diesel, 85 sentimo sa gasolina at 1.90 sentimo sa kerosene.
Ang dahilan nito ayon sa opisyal ay natanggal na ng OPEC+ ang oversupply kaya balansyado na ang supply at demand ng krudo.
Tinukoy rin ni Abad na pangunahing factors sa volatility ng presyo ng langis ay ang desisyon ng OPEC+ sa produksyon na hihintayin pa hanggang Oktubre at ang US interest hike na ang susunod na review ay mangyayari pa sa Disyembre.