Lalaki timbog sa kaso ng qualified theft; kaligtasan ng komunidad, hangad ng awtoridad

LABO, CAMARINES NORTE — Matagumpay na naaresto si alyas “Roy,” 42, anyos, sa bayan ng Labo, Camarines Norte dahil sa kasong qualified theft na pinangunahan ng tracker team ng himpilan ng munisipalidad sa pamumuno ni PLTCOL Ausgusto A. Manila nitong Hunyo 16, 2024.

Ayon kay PLTCOL Manila, ang pag-aresto kay Roy ay bunga ng warrant mula kay Hon. Cornello Magana Roll ng RTC Branch 38, kaugnay ng insidente noong Hulyo 2022.

Nagkakahalagang 40,000 pesos ang naipatang na kailangan ipyansa ng suspek na kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Labo MPS para sa kaukulang pag-aaral sa kaniyang kaso.

Nananawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na patuloy na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon upang mapanatili ang kapanatagan at kaligtasan sa kanilang komunidad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *