PCG, patuloy na tinitiyak ang kaligtasan ng mga mangingisda sa Bajo de Masinloc sa kabila ng no-trespass rule ng China

Muling pinawi ng Philippine Coast Guard ang pangamba ng mga mangingisda sa Bajo de Masinloc kasunod ng no-trespass rule ng China.

Kaugnay nito, dalawang barko ng PCG ang BRP Malapascua (MRRV-4403) at BRP Sindangan (MRRV-4407) ang nagpatrolya sa Bajo de Masinloc alinsunod sa kautusan ni PCG (PCG) Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Ito’y para tiyakin ang seguridad ng mga Pilipinong mangingisda.

Ayon kay PCG Spokesperson, Rear Admiral Armando Balilo, nakipag-ugnayan din sila sa mga mangingisda sa lugar upang alamin ang kanilang kalusugan at kondisyon at namahagi rin ng mga pagkain at gamot.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Samantala, bagamat pasok ang Bajo de Masinloc sa exclusive economic zone ng bansa, nakaranas ng shadowing ang BRP Sindangan sa mga barko ng china.

Samantala, sinabi rin ng PCG na magpapatuloy naman ang maritime operations ng isa pa nilang barko ang BRP Teresa Magbanua sa Sabina Shoal at karagatang sakop ng Palawan.