System loss ngayong 2024, posibleng bumaba pa — CASURECO IV

CAMARINES SUR —  Posibleng bumaba pa ang system loss ng Camarines Sur IV Electric Cooperative Inc. ngayong 2024, ayon sa obserbasyon ng kooperatiba.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Rodel Sical, ang spokesperson ng CASURECO IV, sinabing tutukan aniya ang kampanya at mahigpit na pag-monitor kontra illegal na pagkabit ng kuryente na hindi dumadaan sa metro na siyang sanhi ng system loss. Hinihikayat rin ng opisyal ang publiko na magkaroon ng sariling kuntador upang maiwasan ito at mas mapababa pa ang system loss.

Matatandaan, taong 2023 nang makapagtala ang Casureco IV ng pinakamababang system loss sa nakalipas na siyam na taon simula 2015 na nasa 9.38 percent lamang.

Samantala, sa ngayon, hindi pa matiyak ng nasabing kooperatiba kung magkakaroon nga ba ng paggalaw sa System Average Interruption Frequency Index (SAIFI) o dalas ng pagkakaroon ng brown out, lalo na’t halos sunod-sunod ang nararanasang power interruption ng ilang konsumedor dahil sa mga unscheduled power interruption ng National Grid Corporation (NGCP) dulot ng pagnipis ng supply ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *