NBI Olongapo patatayuan ng multipurpose building sa bayan ng Castillejos

Patatayuan ng multipurpose building ang National Bureau of Investigation Olongapo sa bayan ng Castillejos.

Ito ay para may magamit na karagdagang satellite office at mailapit ang serbisyo sa mga mamamayan ng bayan.

Ayon kay NBI Olongapo Head Agent Gerald Geralde, ang proyektong ito ay sa tulong ng Department of Public Works and Highways katuwang ang lokal na pamahalaan ng Castilejos.

Samantala ngayong araw ng Biyernes ay isinagawa ang deed of donation ceremony ng NBI at LGU para sa pagtatayuan ng gusali.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *