Sisimulan na ang South Korea ang pagbibigay ng fourth doses ng COVID-19 vaccines ngayong buwan, at magsusuplay ng milyon na karagdagang home test kits para maibsan ang shortages sa gitna ng surge sa Omicron infections.
Mababatid na ang surge ang naging dahilan ng pagtaas ng daily cases, pero ang widespread vaccination kung saan ang first booster shots ay natanggap ng mahigit 57 percent ng populasyon na 52 million, ay nakatulong na malimitahan ang deaths at serious infections.

Ayon kay Health Minister Kwon Deok-cheol, ang high-risk groups ang unang makakakuha ng fourth dose.
Samantala, nasa 44.22 million katao o 86.2 percent ng kanilang populasyon ay fully vaccinated na laban sa virus.