SUV, umakyat sa center island ng EDSA para mag-U-turn

Nahuli sa CCTV Footage ang isang SUV sa EDSA sa Quezon City na sumampa sa center island para mag-U-turn sa kalagitnaan ng trapiko.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang insidente ay nangyari sa EDSA Aurora underpass.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Sa video ng MMDA, makikita ang SUV na biglang umakyat sa center island kahit may paparating na mga sasakyan.

Natukoy umano ng MMDA ang plate number ng SUV at plano nilang maghain ng reklamo sa Land Transportation Office (LTO) upang mapatawan ng kaukulang parusa ang driver.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Pinaalalahanan naman ng MMDA ang publiko na sumunod sa mga batas trapiko upang maiwasan ang posibleng panganib.