May-ari ng bahay, hinabol ang dalawang magnanakaw gamit ang itak

Bistado sa cctv footage ang dalawang lalaking magnanakaw sa Calasiao, Pangasinan.

Ito ay matapos makita ng may-ari na nanloob sa mga kabahayan sa lugar.

Read More:  3 Vietnamese arrested over illegal dental practice in Cebu

Ayon sa biktima na si Rosalinda Aficial, may narinig itong nagbubukas ng kanilang bintana kung saan ito ay agad na tiningnan.

Ilang sandali pa, kumaripas ng takbo ang dalawang kawatan ng makita nila ang biktima na may hawak na itak.

Read More:  Philippine Serpent Eagle rescued in Kidapawan

Base sa imbestigasyon, ang mga magnanakaw ay mistulang mga dayuhan na hindi nila tukoy kung sino ang mga ito.