Hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang drayber ng SUV na sumalpok at pumasok sa loob ng isang bangko sa Barangay Pasong Putik, lungsod ng Quezon.
Ayon kay QCPD Station 16 Commander Lt. Col. Reynaldo Vitto, anim ang sugatan kabilang na rito ang tatlong empleyado ng bangko, at tatlong kliyente.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, palabas na ng sasakyan ang SUV driver at kasama ang kanyang asawa pero sa halip na umatras ay umabante ito papasok ng bangko.
Sa ngayon, dinala na sa pagamutan ang mga biktima; habang ang QCPD naman ay naghahanda sa mga isasampang kaso laban sa SUV driver.
