Suspensyon ng e-sabong licenses, aprubado na ng Pangulo – Sotto

Pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang lisensya ng online sabong o e-sabong.

Ito ay habang nakabinbin ang resolusyon ng mga kaso ng 31 nawawalang sabungeros.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na si Senator Ronald Bato Dela Rosa ang nagbahagi sa nasabing impormasyon.-

Sa ngayon ay wala pang binibigay na kumpirmasyon si dela Rosa.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Samantala, inihayag naman ng Malacañang na dapat ay hintayin ng publiko na si Pangulong Rodrigo Duterte ang gumawa ng sarili nitong announcement.

Ipinunto ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na posibleng banggitin ito ng Pangulo sa Talk to the People.

Matatandaan na iminungkahi ng ilang senador sa hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na pinangungunahan ni Dela Rosa, ang pagrekomenda kay Pangulong Duterte na utusan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na pansamantalang ipatigil ang e-sabong operations.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Sakop ng kautusan ay ang mga lisensyang hawak ng Belvedre Vista Corp., Luck 8 Star Quest Inc., Visayas Cockers Club Inc., Jade Entertainment And Gaming Technologies, Inc., Newin Cockers Alliance Gaming Corp., Philippine Cockfighting International Inc., at Golden Buzzer, Inc.