Mga requirements sa aplikasyon ng RTB27 program inilatag ng BOTR Albay

Legazpi City- Inilatag ng Bureau of Treasury( BOTr)- Albay ang mga requirements para sa aplikasyon ng Retail Treasury Bond (RTB) kasabay nang pagbubukas ng ika-27 serye ng programa.

Ayon kay BoTR Bicol Treasury Operation Officer Niel Ozo, ilan sa mga kailangan para maging parte ng nasabing programa ay isang valid ID, existing bank account o kaya nama’y magbukas ng bagong account sa mga kwalipikadong bangko o gamit ang online app.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Aniya kabilang ang DBP, BDO, BPI, PNB, China Bank, RCBC, Union Bank of the Philippines at iba sa mga bangko na kanilang ka-partner sa programa.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Dagdag pa niya sa halagang Php 5000 ay maaari nang makapag-investment na may 4.875% interest sa isang taon, na quarterly papasok sa account ng investors.

Ang RTB27 ay bukas sa mga gustong mag-avail hanggang Pebrero 28 taong kasalukuyan.