Balik sa pagiging Chairperson ng Energy Regulatory Commission (ERC) si Atty. Monalisa Dimalanta, kasunod ng ginawang pagbawi ng Ombudsman sa kanyang 6-month suspension.
Ito ay alinsunod sa kautusan mula sa Office of the Executive Secretary na i-lift na ang preventive suspension ni Dimalanta.
Wine-welcome naman ng ERC ang desisyon ng Ombudsman, dahil titiyakin din umano nito ang katatagan ng ahensya.
Mababatid na pinatawan ng suspensyon si Dimalanta noong Setyembre dahil sa alegasyong neglect of duty na kaugnay naman ng reklamong isinampa ng isang grupo ng mga konsyumer.