Suspek sa panggagahasa sa isang menor de edad sa bayan ng Jose Panganiban arestado sa Quezon City

CAMARINES NORTE- Matagumpay na naaresto ng pinagisang pwersa ng mga otoridad ang isang electrician na may kasong pangagagahasa at itinuturing na ika-9 sa listahan ng Provincial Most Wanted Persons ng Lalawigan ng Camarines Norte sa SM North EDSA, Quezon City dakong 8:15 ng gabi nitong Pebrero 7, 2020.

Ang nasabing akusado ay kinilalang si alyas PANDAY, 31 anyos, tubong Brgy. Bagong Bayan, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Si PANDAY ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong RAPE in relation to RA 7610 na may petsang November 5, 2020 at walang rekomendadong piyansa.

Ayon sa ulat, si PANDAY ang suspek sa panggagahasa sa isang menor de edad na babae na naganap sa mismong bahay ng suspek sa Brgy. Bagong Bayan, Jose Panganiban, Camarines Norte noong Hulyo, taong 2020.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang arestadong personahe ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng mga umarestong otoridad upang dalahin sa korteng pinagmulan.