Rank no 5 Regional Most Wanted Person na may kasong pagpatay sa Jose Panganiban Camarines Norte arestado sa lungsod ng Laguna

CAMARINES NORTE- Napasakamay ng mga otoridad ang ika-5 sa listahan ng PRO5 Regional Most Wanted Person sa pinagtataguan nitong lugar sa Brgy. Timbao, Purok 2, Biñan City, Laguna.

Ang akusado ay kinilalang si ELOY, 67 anyos, residente ng Purok 6, Barangay Luklukan Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Inaresto si ELOY sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na ipinalabas ni Honorable Judge Winston S Racoma ng RTC Branch 39, Daet Camarines Norte na may petsang March 20, 2017 at walang nakalaang piyansa.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon sa ulat, si ELOY ang suspek sa pananaga kay alyas MANNY na kanyang nakaalitan na naganap sa Purok 6, Barangay Luklukan Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte noong Enero 11, taong 2016.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang arestadong personahe ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng mga umarestong otoridad uupang dalahin sa korteng pinagmulan.

Ang matagumpay na operasyon ay dahil sa patuloy na pagpapaigting at pagtugis sa mga Most Wanted Persons sa Rehiyon at sa lalawigan.