Medical front liner sa Virac, Catanduanes kinasuhan ng barangay council matapos dumalo ng sesyon habang naghihintay ng kanyang COVID test result

BNFM BICOL—Kinumpirma ni Brgy. Concepcion Chairman – Anthony Arcilla sa bayan ng Virac, Catanduanes na isang health worker ng Eastern Bicol Medical Center ang kanilang kinasuhan dahil sa paglabag sa quarantine protocol.

Ito ay matapos na dumalo sa session ng barangay ang naturang health worker habang hinihintay nito ang resulta ng kanyang RT-PCR test.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Matapos ito, lumabas ang resulta na positibo sa COVID-19 ang naturang health worker na naging dahilan upang sumailalim sa anim na araw na strict isolation ang buong konseho na presente sa nasabing session.

Dagdag pa ng Punong Barangay, ang pagsasampa nila ng kaso laban sa health worker ay dahil sa paglalagay nito sa peligro sa kalusugan ng mga nakasalamuha nito, makaraang hindi i-disclose na siya ay naghihintay ng swab test result kung saan nararapat dapat na ito ay naka isolate.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Bunsod nito nahaharap ngayon ang medical frontliner sa kasong paglabag sa R.A 1132 o ang Procedures on Surveillance and Response to Notifiable Diseases, Epidemics, and Health Concern.###