Suspek sa pagpatay sa kinse-anyos na dalaga, sinampahan na ng kaso ng PNP-CIDG

Sinampahan na ng kasong rape with homicide si Gaspar M. Maneja Jr. alyas “Jose Francisco Santos,” suspek sa pagpatay kay Princess Marie Dumantay, 15 taong gulang na natagpuang wala ng buhay sa madamong lugar sa Barangay Bonga Menor, Bustos town, Bulacan noong nakaraang linggo.

Sa pangunguna ng CIDG Camarines Sur Provincial Field Unit (PFU), nahuli si Maneja sa tulong ng pinagsanib-pwersa ng mga police at military forces pasado alas-dose ng tanghali kahapon sa loob mismo ng kanyang bahay.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Inaresto si Maneja sa bisa ng warrant of arrest for rape na inihain sa kanya at two counts ng paglabag sa Republic Act 7610 or the Anti-Child Abuse Law.

Napaulat namang mayroon pang mga standing na kaso ng rape at child abuse ang suspek.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kaugnay nito, tuloy naman ang panagawan ng hustisya ng mga magulang ng biktima.

Sa panayam, sinabi ng ina ng biktima na naniniwala itong hindi lamang iisa ang suspek sa pagpaslang sa kanyang anak.

Matatandaaang August 12 nang makita ang mga labi ng biktima sa madamong bahagi sa tabi ng kalsada sa Bulacan.
#