BFAR Region 3 nagbigay ng mga artificial reefs sa Olongapo City Agriculture Office

Nagbigay ng artificial reefs ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 3 sa Olongapo City Agriculture Office.

Ito ay para maproteksyunan ang mga isda at iba pang yamang dagat na ikinabubuhay ng mga mangingisda sa lugar.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Humigit kumulang sa animnapong artificial reefs ang tinanggap ng agriculture office nito lang nakalipas na araw.

Ayon sa opisina malaking kapakinabangan nito para sa mga mangingisda dahil dadami pa ng husto ang mahuhuling isda sa iba’t ibang parte ng dagat sa lungsod.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

PHOTO: Olongapo City Agriculture Office