Permanent implementation ng ‘blended learning’, inaaral na ng DepEd

Tiniyak ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte na magiging ‘smooth’ ang pagbubukas ng klase simula sa Lunes.

Sa organizational meeting ng Senate Commitee on Basic Education, sinabi ni Duterte na inataan na nito ang kanilang execom na plantsahin na ang lahat ng mga kinakailangan para msigurong maayos na makabablaik ang mga learners sa eskwela para sa school year 2022-2023.

Sa kabila nito, aminado si Duterte na mayroon pa rin aniyang mga challenges na kinahaharap ang basic education kabilang na ang kakulangan sa mga slid-aralan, kakulangan ng mga guro, pati na rin ang epekto ng mga kalamidad sa bansa gaya ng lindol at bagyo.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Makasisiguro aniya ang publiko na katuwang ang Gobyerno ay sisikapin nilang matugunan ang lahat ng mga problemang ito.

Samantala, sa ngayon aniya ay inaaral na nla ang iba’t ibang mga mode of instruction para sa mga learners.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Kabilang na rito ang posibilidad ng pagiging permanente na ng blended learning sa piling mga paaralan.

Kaugnay nito, inisa-isa rin ni Education Undersecretary Epimaco Densing ang mga paraan para mabawasan ang bigat na pinapasann ng mga guro.

Kasama rito ang planong pagha-hire ng mas maraming mga non-teaching personnel para mabawasan ang administrative work ng mga teachers.
#