Suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Jumalon, nag plead ng not guilty

Naghain ng not guilty plea ang itinuturong gunman sa radio anchor na si Juan “DJ Johnny Walker” Jumalon.

Ayon kay Presidential Task Force on Media Security executive director Paul Gutierrez, nag plead ng not guilty sa Calamba Regional Trial Court Branch 36 sa arraignment at pre-trial ang suspek na si Julieto “Ricky” Mangumpit.

Si Mangumpit ay nadakip noong Abril sa Dipolog City, Zamboanga del Norte habang ang mga umano’y kasabwat nito na sina Boboy at Renante Bongcawel ay naaresto noong Marso sa bayan ng Sapang Dalaga, Misamis Occidental.

Si Jumalon ay binaril noong Nobyembre 2023 habang siya ay nasa live broadcast sa kanyang bahay sa Calamba, Misamis Occidental.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *