Suspek sa pagpatay ng 22-anyos na graduating student sa Bacacay, Albay – arestado na

BAGAMAT nasa panahon pa ng pagluluksa sa sinapit ng 22 anyos na anak na magtatapos sanang cumlaude sa Barangay Hindi Bacacay, ALbay, labis pa rin ang pasasalamat ni nanay Francia Boneo , ina ng biktima dahil ngayong hapon, nadakip na ang tinuturong suspek sa pagpatay sa kanyang anak.

Ayon kay nanay Francia, nagpapasalamat siya sa PNP maging sa mga tumulong sa kanila para makamit ang hustisya at mahuli ang suspek na si Ariel Marbella, kabarangggay lamang.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Dahil sa sinapit ng kanyang anak na si Rhea Boneo, kanyang sinabi na pabor siyang ibalik ang death penalty.

Ayon naman sa PNP Bacacay, nakita umano ang suspek na pauwi ng kanilang bahay malapit sa ilog para kumuha ng pagkain dahil nakaramdam ito ng gutom.

May nakakita umano dito at naging dahilan para arestuhin.

Nasa pangangalaga na ito ng PNP at inihahanda na ang kasong pagnanakaw, rape at pagpatay.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Kung matatandaan, noong linggo, lumabas lamang ang biktima upang magpa cash out ng ipinadala ng kapatid nitong nagta-trabaho sa Sorsogon subalit di na nakauwi.

Alas 12 y media ng madaling araw ng marekober na lamang ang bangkay ng biktima sa isang masukal at madamong lugar ng barangay na sinasabing mayroon itong laslas sa leeg, punit -punit ang damit at pinaniniwalaang ginahasa.(BNFM LEGAZPI | JULIE RODRIGUEZ | NORIS MINGOY)
#