Pinagbubura na ng Commission on Elections ang mga ‘ballot faces’ mula sa mga servers ng National Printing Office.
Ito ay bilang bahagi ng paglilinis ng database ng COMELEC at ng NPO sa mga balotang ginamit sa 2022 national and local elections.
Magsisilbing hudyat na rin ito na tapos na ang election season.
Ibig-sabihin, tapos na ang trabaho ng COMELEC sa NPO.
Sa pagbubura rin ng database ng eleksyon sa NPO, mabibigyang daan na ang iba pang mga proyekto ng printing office.
Humarap sa seremonyas na ito ang mga representative ng mga partido, mga watchers, citizen arm groups, at mga miyembro ng media.
#