Plano ngayon ni Senador Win Gatchalian na mas paigtingin pa ang pagbuwag sa umano’y mga corrupt na opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Kasunod ito ng report na umano’y may mga BIR personnel ang nangingikil sa ilang mga malalaking korporasyon maging sa mga maliliit na negosyante.
Ayon sa Senador, may mga BIR officials ang nangha-harass o itinataas ang tinatawag na tax assessment sa mga maliliit na negosyante para makahingi sila ng pera kapag nakiusap na babaan ang tax assessment.
Sinabi ni Gatchalian na siya ring posibleng susunod na Chairman ng Senate Committee on Ways and Means, ang mga ganitong uri ng korapsyon ang dapat tutukan ngayon ng gobyerno.
Isa sa mga pinalutang ng Senador ay ang diumano’y nagaganap na pangingikil sa Ilocos Sur, Dipolog City, at Zamboanga City kung saan sangkot ang ILANG mga empleyado ng BIR.
May tinatawag din aniyang ‘pabaon scheme’ kung saan sangkot naman ang ilang outgoing officials sa mga nasabing lugar.
Sangkot dito ang ilang tauhan ng BIR maging ang gawaing “Pabaon” ng ilang outgoing na opisyal ng naturang ahensya.
Samantala, ipinunto pa ng Senador na ang pagsugpo sa mga corrupt na sa mga ahensya ng gobyerno ay mas epektibo kaysa sa pagpapatupad ng panibagong tax na magpopondo sa mga serbisyo ng gobyerno upang mabayaran ang utang ng bansa.(CLAY MARQUEZ)
#