Suspek na umatake sa mag-iina at pumatay sa menor-de-edad, nahuli na; isa pang menor-de-edad na tinangay, naka-uwi na rin

Nanghihina na ang katawan nang mahuli ng tracker team ng Milagros MPS ang suspek na umatake sa mag-iina    noong Oktubre 19 sa Brgy Calumpang ng nasabing bayan.

Ayon sa mga pulis, nanghihina na ang katawan ng suspek na si Renato ‘Dodoy’ Bangabanga nang kanilang mahuli dahil sa mga tama nito ng itak dulot ng panlalaban ng ina na biktimang si Ilene Innocencio nang ito ay tangkaing pagsamantalahan ng suspek.

Kinabukasan naman ng Oktubre 20 ay nakauwi rin ng ligtas ang tinangay na 13-anyos na pipi na si Realyn nang makatakas ito sa kamay ng suspek.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Kung babalikan, alas 9:00 ng gabi noong Huwebes nang pasukin ng suspek ang bahay ng mag-iina habang ang mga ito ay natutulog at itinaon pa na wala ang padre de pamilya.

Tangkang paghahalay ang motibo ng suspek na ayon sa mga biktima ay nasa impluwensiya ng alak.

Sa nasabing pag-atake, sugatan ang ina na si Ilene habang nasawi ang 11-anyos na anak nito na si Redelyn na natagpuan sa labas ng bahay at nagtamo ng multiple hacked wounds sa ibat-ibang parte ng katawan nito at ang 13-anyos na si Realyn ay tinangay ng suspek sa kanyang pagtakas.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa update na ekslusibong nakuha ng Brigada News sa WCPD ng nasabing himpilan, ang suspek ay nahaharap na sa patong-patong na kaso na kinabibilangan ng frustrated murder, rape with homicide at abduction with rape.