Suspek na ibinenta ang ninakaw na cellphone sa may-ari, arestado!

Huli sa entrapment operation ang suspek sa pagkawala ng cellphone na si Justine Garry Boco 22 anyos ng Abanico Rd. Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.

Ipinost kasi nito sa social media at ibinenta ang cellphone na Oppo AP15 na ninakaw nitong Miyerkules, June 8, 2022.

Iniulat ng Puerto Princesa City Police na ayon sa may ari ng cellphone na si Dona May Rosario Cagalingan, nakapatong umano sa lamesa nang ang asul na cellphone. Napansin din nitong basag na ang bintana ng kanilang bahay.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Natuklasan ng biktima na ibinebenta na pala ang kanyang cellphone sa ‘Palawan Buy & Sell’.

Para mabawi ang cellphone ay gumamit ng ibang account ang biktima kaya nagkasundo sila ng suspek na magkabayaran at magkita sa Malvar St. kahapon.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Nagulat umano ang suspek nang makitang ang kausap pala nya ay ang totoong may-ari ng cellphone na ninakaw.

Samantala, ayon kay PCPT. VICTORIA CARMEN C. IQUIN ng City Police Office, laya na ang suspek matapos iurong ang demanda.