Padre De Pamilya –patay sa saksak; suspek naikanta bago mamatay

Patay matapos gripohan sa dibdib ang isang padre-de pamilya sa Barangay Calumpang, Quezon Palawan.

Ayon kay Punong Barangay Adrian Namuco, ang biktima ay si Jon Palanas, residente sa lugar.

Napag-alaman na pauwi na hating gabi nitong Miyerkules, June 8, 2022 ang biktima galing umano sa inuman at habang siya’y sakay ng motorsiklo ay inabangan ito ng suspek.

Read More:  San Lazaro Hospital ER in Manila reaches up to 500% capacity amid leptospirosis surge

Isang tama ng kutsilyo ang tumapos sa buhay ng biktima pero nasabi pa nito sa kaanak ang apelyido ng suspek bago malagutan ng hininga.

Read More:  PWD allegedly assaulted by cousin in General Santos City

Naulila ng biktimang magsasaka ang apat na anak at asawa.

Samantala, pinaghahanap na ang suspek sa krimen na naiwan pa ang tsinelas sa crime scene.