Rumesbak ang Boston Celtics sa Game 3 ng NBA Finals series kontra Golden State Warriors, na nagtapos sa score 116-100.
Tiniyak ng Boston na hindi ito mapapahiya sa kanilang home court kung saan ipinamalas nito ang matinding depensa laban sa 2019 NBA Champion.

Humakot ang Big 3 ng Celtics ng combined 77 points sa pangunguna ni Jaylen Brown na kumamada ng 27 points at 9 rebounds.
Nag-ambag naman ng 26 points si Jason Tatum habang 24 points ang nakuha ni Marcus Smart.
Susi sa panalo ang matinding depensa ng Celtics lalo na sa huling quarter kung saan nalimitahan nito ang Warriors sa 11 puntos.
Nanguna para sa Golden State ang ‘splash brothers’ na sina Stephen Curry sa kanyang 31 points habang si Klay Thompson ay tumikada ng ng 25 points.
Lamang na sa serye ang Celtics 2-1 at may pagkakataon pang ibaon ang GSW sa Game 4 na gaganapin muli sa kanilang home court.