Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa suporta ng Kamara para mapalakas ang depensa ng bansa.

Si Brawner ay kasama nina House Speaker Martin Romualdez, House Majority Leader Mannix Dalipe, House Minority Leader Marcelino Libanan at House Appropriations Committee Chairman Elizaldy Co sa pagpunta sa Pag-asa Island sa Kalayaan, Palawan noong Huwebes.
Ayon kay Brawner, hinihiling ng AFP na mapondohan ng Kongreso ang mga imprastraktura nito sa lugar para mapabuti ang kalagayan ng mga sundalo na nakatalaga sa isla gayundin ang mga nakatira roon.
Nagpasalamat naman si Romualdez kay Brawner at tiniyak ang pagsuporta ng Kamara sa AFP.