Suplay ng pork sa region 2, sapat ngayong holiday season

Tiniyak ng Department of Agriculture Region 2 ang sapat na suplay ng karne ng baboy sa rehiyon ngayong nahaharap ang holiday season.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DA Region 2 Regional Director Narciso Edillo, sinabi niya na wala namang problema sa suplay ng karne ng baboy dahil may mga bayan pa naman na hindi nakapagtala ng ASF na maaring pagkuhanan ng baboy sa lambak.

Read More:  Motorcycle used for livelihood stolen in Puerto Princesa City; owner appeals for return

Mataas na rin aniya ang kompetisyon dahil marami ang suplay na galing sa ibang rehiyon gaya ng Ilocos.

Sa katunayan ay may lumapit sa kanilang tanggapan na tatlong kumpaniya para sa clearance upang makapagpasok ng baboy kung saan kailangan aniya ng blood sample para matiyak na negatibo ang mga ito sa ASF.

Read More:  ‘Pakiring Goma’ rolls into fiesta as symbol of life in Kabankalan sitio

Mayroon din aniyang mga commercial farm na sinunod ang biosecurity meassures at sa loob ng apat na buwan ay nakapag-alaga sila kayat napaghandaan ang holiday season.

Samantala, patuloy naman aniya ang kanilang close monitoring sa mga bayan at syudad kaugnay sa ASF.

Huling nakapagtala aniya ng kaso ng ASF sa lalawigan ng Cagayan noong November 12, 2021.