Magat dam park, muling binuksan sa publiko; pagpicnic, bawal muna

Muling binuksan sa publiko ang Magat Dam Park simula kahapon, November 17, 2021 kasabay ng pagsasailalim sa lalawigan ng Isabela sa Alert Level 2.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, ang Acting Division Manager ng MARIIS DRD, sinabi niya bagaman binuksan na ito ay mahigpit naman ang kanilang pagpapatupad ng mga paununtunan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Nilinaw din nito na tanging “sightseeing” lamang ang maaaring gawin at hindi pinahihintulutan ang pagpicnic sa lugar.

Sinusunod aniya nila ang ibinabang Alert level 2 guidelines ng lokal na pamahalaan kung saan maaaring pumasok ang mga edad 18-anyos pataas na bakunado maging ang mga 18-anyos pababa subalit dapat may kasamang magulang o nakatatanda.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Maliban dito ay kailangang masunod din ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing.

Inaasahan aniya ngayong darating na weekend ang pagdagsa ng tao kaya naman nagdagdag na rin sila ng magbabantay sa Magat Dam Park upang matiyak ang kaayusan ng mga mamasyal sa lugar.