Suplay ng baboy sa Koronadal sapat ngayong holiday season

KORONADAL CITY-SAPAT ang supply ng karneng baboy sa lungsod ng Koronadal ngayong nalalapit na buwang ng Disyembre. Ito ang inihayag ni Dr. Charlemagne Calo, City Veterinarian ng Koronadal sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon kay Calo, sapat at maraming suplay ng baboy ng lungsod ngayong holiday season sa kabila ng banta ng African Swine Fever o ASF.

Dagdag pa ni Calo, na nasa 60 hanggang 70 na mga baboy ang araw-araw kinakatay sa slaughter ng lungsod kung kaya’t indikasyon lamang umano ito na walang bantang kakulangan sa suplay ngayon Disyembre. Hiling naman ng opisyal sa publiko na tangkilikin ang mga baboy at pork products na mula sa lungsod upang maka-iwas sa ASF.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City