Kalusugan ng mga buntis sa Naga City patuloy na minomonitor ng City Hygiene Clinic; ilang pribadong pasilidad nakapagtala ng mga buntis na nagpositibo sa HIV AIDS

NAGA CITY – Patuloy na minomonitor ng Naga City Hygiene Clinic ang kalusugan ng mga buntis sa pamamagitan ng ginagawang Free HIV AIDS Test sa mga ito.

Sa datus na hawak ng hygiene clinic wala silang naitalang buntis na nag positibo subalit sa ibang pasilidad tulad ng Bicol Medical Center at ibang pribadong pasilidad.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga kay Grace Guevara, Head ng Hygiene Clinic, kasabay sa paglilinaw niya na wala siya sa posisyon para sabihin ang eksaktong bilang ng mga ito.

Aniya’y wala siyang hawak na records ng mga ito.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kasunod nito ang kanyang panawagan sa mga buntis na sana ay patuloy na makipagtulungan sa programa na ito, upang mabantayan ang kanilang kalusugan.

Nalibot na nila ang 27 barangay ng sa lungsod para sa FREE HIV AIDS Testing pati na rin sa mga kalapit na bayan.