Muling magbabalik sa afternoon drama ang isa sa mga reyna ng daytime drama na si Sunshine Dizon.
Ito ay sa pamamagitan ng afternoon drama na co-production ng ABS-CBN at TV5 na “Pira-Pirasong Paraiso”.
Sa isinagawang presscon kahapon, sinabi ni Sunshine na hindi niya matanggihan ang role sa teleserye dahil sa kakaiba at very challenging ang nabasa niyang script.
“Sabi ko parang ngayon lang ako nakabasa ulit ng script na very challenging, very interesting, bago sa panlasa, bago lahat…” ani ni Sunshine.
Ayon kay Sunshine, masaya siya sa kanyang pagbabalik sa hapon serye.
Tampok ang batikang aktres sa drama seryeng pagbibidahan ng mga karakter nina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson na mga magkakapatid na pinaghiwalay at inabandona ng kanilang sariling pamilya.
Samantala, sobrang pasasalamat naman ng apat sa ibinigay sa proyekto sa kanila kasabay sa pagbabalik sa hapon ng mga drama serye.
Kabilang din sa mga bigateng cast ng daytime drama sina KD Estrada, Ronnie Alonte, Joseph Marco, Markus Paterson, Epy Quizon, Art Acuña, at may special participation ang batikang aktres na si Snooky Serna.
Magsisimula ang bigateng teleserye sa Hulyo 25 (Martes), 3PM.