So.Cot, walang banta sa seguridad sa pagdiriwang ng T’nalak Festival 2023 – Gov.Tamayo

KORONADAL CITY- WALANG anumang banta sa seguridad ang lalawigan ng South Cotabato kaugnay sa selebrasyon ng T’nalak Festival.

Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr na ginagawa nila ang lahat kasama ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang masiguro ang safety at security ng mga mamamayan na makikibahagi sa mga aktibidades ng kapistahan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Bilang chairman ng Regional Peace and Order Council o RPOC 12, pinasiguro din ng gobernador na mahigpit na binabantayan ang mga boundaries ng South Cotabato upang walang makapasok na mga indibidwal o grupo na posibleng maghasik ng karahasan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Samantala, inihayag ng gobernador na si Senator Imee Marcos na ang magiging panauhing pandangal sa Anniversary Program sa July 18 sa halip na si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.