Sunod-sunod na pagpatay sa mga kabataan imbestigahan sa Senado

Naghain ng resolusyon si Opposition Senator Risa Hontiveros na imbestigahan ang sunod-sunod na pagpatay sa mga kabataan sa Pilipinas.

Ayon sa senadora, ang paghahain ng panukalang Senate Resolution No. (SRN) 776 ay nagbunsod sa pagpatay sa 15-anyos na si John Frances Ompad, matapos barilin ni Police Cpl. Arnulfo Sabillo.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Isa lamang si John Frances sa mga menor de edad na namatay dahil sa mistaken identity habang nagsasagawa ng police operations.

Isa pang tinutukoy ni Hontiveros ay si Jemboy Baltazar na napaslang sa kamay ng Navotas Police.

Ang marahas na pagpatay ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa mga binatilyong biktima ay nagreresulta sa kawalan ng tiwala at takot sa mga nagpapatupad umano ng batas sa bansa.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Hinomok ni Senador Hontiveros ang Senate committees on women, children, family relations and gender equality, pati na rin ang chamber’s panel on public order and dangerous drugs na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa isyung ito.