CAMARINES NORTE – Umaabot sa 11, 137 indibidwal sa lalawigan ng Camarines Norte ang naghain ng certificate of candidacy para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa Oktubre nitong taon.
Batay sa datos ng Commission on Elections Provincial Office, 759 ang naghain ng COC para sa punong barangay positions, 5,971 para sa sangguniang barangay members, 731 para sa SK chairperson, at 3, 676 para sa SK members.
Mas marami sa mga aspirante sa lahat ng posisyon ay mga lalake kumpara sa mga babae.
Sa punong barangay positions 584 ang lalaki at 175 naman ang mga babae, 3, 885 naman ang mga kalalakihang naghain ng COC sa sangguniang barangay members at 2, 086 ang mga babae. Habang sa Sangguniang Kabataan ay nasa 410 ang mga lalaking naghain ng COC sa pagka SK Chairperson at 321 ay mga babae. Umaabot naman sa 1, 885 ang mga lalaking naghain ng COC para sa SK members at 1, 791 ay mga babae.
