CAMARINES NORTE – Pinakikinabangan na sa lalawigan ng Camarines Norte ang Special Area for Agricultural Development (SAAD) project.
Ang SAAD Phase 2 ay anim na taong extension ng Phase 1 locally funded project.
Layon ng programa na mabawasan ang poverty incidence sa ilang piling munisipyo sa rehiyon mula Fiscal Year 2023 hanggang 2028.
Saklaw nito ang fishery sector sa pagbibigay ng wide range ng livelihood projects para sa fisherfolks.
Kamakailan ay namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng nasa dalawang unit ng weighing scale, mga banyera at 833 bags ng tilapia feeds sa San Lorenzo Ruiz sa nasa 30 tilapia raisers.
Ayon kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam maganda ang programa dahil ito ay naka- package.
Kung namigay aniya ng tilapia ang BFAR ay may kasama nang pagkain.
Umapela naman ang ahensiya sa mga benepisyaryo ng programa na alagaan at palaguin ang tulong kabuhayang ibinigay ng gobyerno.
Kabilang sa mga bayan sa Camarines Norte na may SAAD project ay ang San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Sta Elena, Capalonga at Mercedes. Ang menu ng livelihood projects ay fingerlings distribution, seaweed development, fishing gears and paraphernalia, technology demonstration, cages for livelihood, post- harvest equipment, marketing assistance at iba pa.
