Sundalong nakapatay ng misis sa kampo – sinibak na

Tiniyak ng Philippine Army na makikipagtulungan sila sa Philippine National Police matapos masangkot ang isa nilang tauhan sa pagpatay sa loob mismo ng kampo ng 5th Infantry Division sa Isabela.

Ito’y upang agarang maresolba ang kaso.

Read More:  Malacañang hits Erice’s claim that Marcos cannot jail Romualdez

Maalalang napatay ng sundalong may ranggong Sargeant ang kanyang asawa at dalawang iba pa.

Sinibak na rin ito sa pwesto habang gumugulong ang imbestigasyon.

Idiin ni Army spokesperson Col. Louie De-maala, na bilang isang professional organization, hindi kukunsitihin ng Philippine Army ang anumang maling gawain o krimen na nagagawa ng kanilang mga tauhan.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Patuloy din nilang tinitiyak ang mataas integridad sa kanilang hanay.

Nauna nang nagpaabot ng pakikiramay ang Army sa naulilang pamilya ng mga biktima.