Hindi na napigilang magalit ni Senador Ronald Bato Dela Rosa nang matanong siya tungkol sa kanyang reaksyon hinggil sa naging pahayag ni Kerwin Espinosa laban sa kanya.
Ayon kase kay Espinosa, inutusan siya ni Dela Rosa matapos mamatay ang kanyang ama noong 2016, na idiin sina dating Senadora Leila De Lima at Peter Lim sa illegal drug trade.
Kasunod nito, ayon sa senador, kung sakaling makita niya si Espinosa ay talaga namang susuntukin niya ito sa mukha dahil sa pagiging sinungaling nito.
Dagdag pa niya, ang kinonfirm lang umano niya mula kay Espinosa noon ay kung talagang nakakatanggap ng pera mula sa kanya si PCol. Jovie Espenido.
Ayon pa kay Dela Rosa, hindi rin maituturing na credible witness si Espinosa dahil una pa lang ay drug lord na ito.
Samantala, pinabulaanan naman niyang binantaan niya ito na may mangyayaring masama sa kanyang pamilya kung hindi ito sumunod sa kanyang utos.