Isang sundalo ang nasawi sa panibagong engkwentro ng tropa ng 2nd Infantry Battalon at New People’s Army sa brgy Villahermosa, Cawayan, Masbate.
Sa inisyal na report, kinilala lamang itong si Cpl Parreno.
Sa pahayag sa Brigada News ng imbestigador ng Cawayan Police, sinabi nito na nagkasagupa dakaong alas 10:30 ng umaga kahapon, Marso 20 ang puwersa ng pamahalaan at ng rebeldeng grupong NPA sa nasabing barangay.
Nakatanggap umano ng impormasyon ang Army sa presensya ng 12 mga rebelde sa nasabing lugar kung kaya’t nagsagawa ng combat operations ang mga ito at nakasagupa nila ang mga inireklamong rbelde na kabilang sa Platun 1, L2, KP4.
Umabot sa 5 minuto ang naging palitan ng putok. Narekober ng mga sundalo sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang R4 assault rifle, isang improvised pellet gun, 3 cellphones, 2 Anti-personnel mines, isang teleskopyo, 2 IED switch, apat na blasting caps, IED wires, jungle packs, mga pagkain at personal na kagamitan ng mga rebelde.
Nagpapatuloy ngayon araw ang pursuit operations sa mga tumakas na rebelde.
