Sundalo, napatay ang sariling asawa, biyenan at driver sa loob ng Army Camp sa Isabela

Nagpaabot na ng pakikiramay ang Philippine Army sa mga naulila ng mga bitkima sa insidente ng pamamril na kinasasangkutan ng kanilang isang tauhan sa loob ng mismo ng 5th Infantry Division, Camp Melchor Dela Cruz, Upi Gamu, Isabela kahapon.

Napatay ng isang sundalong may ranggong seargent ang kanyang sariling asawa, biyenan at driver.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na bandang alas-dos ng hapon nang maganap ang insidente.

Habang nasa loob ng kampo ang isang sasakyan ay bigla nalang umanong nakarining ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga sundalo.

Agad itong nirespondehan at habang papalapit sa naturang sasakyang ay nakita ang supek na may hawak na baril kaya agad inaresto at pinosasan.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 9mm issued fire-armed ng supek na ginamit sa pamamaril.

Nasa kustodiya na ng PNP ang suspek para sa kaukulang imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng supek sa pamamaril.