Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na wala silang anumang kasunduan sa textbook scam suspect na si Mary Anne Maslog.
Paliwanag ni PNP Public Information Office Chief BGen. Jean Fajardo, ang tanging naging partisipasyon Maslog ay ang pagbibigay ng impormasyon ukol kay Alice Guo, na noo’y pinaghahanap ng mga awtoridad.
Liban dito ay wala ng iba pang pag-uusap sa pagitan ng PNP at ni Maslog.
Nauna nang inamin ni dating intelligence chief BGen Romeo Macapaz sa Senado na sinamahan niya si Maslog at ang abogado ni Guo na si Stephen David sa Custodial Center.
Layunin ng pagbisita na kumuha ng karagdagang impormasyon mula kay Guo, ngunit naulit umano ang pagbisita na hindi na alam ni Macapaz.
Iimbestigahan ngayon ng PNP kung may nalabag na protocol.