Muling tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) and kaligtasan ng mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).
Kasunod ito ng marahas at iligal na aksyon ng China sa mga mangingisda ng Vietnam sa Paracel islands nito lamang September 29.
Sa ulat ng Vietnamese state media, nasa 40 Chinese law enforcers ang nanakit sa mga mangingisda gamit ang tubo.
Sampu sa mga ito ang napuruhan.
Sa kabila nito ayon sa Philippine Navy, dapat ituloy ng mga mangingisdang Pinoy ang kanilang normal na gawain sa exclusive economic zone na sakop ng Pilipinas at nakaalalay sila para protektahan ang mga ito.
Tiniyak din nilang nakaalerto sila para hindi maulit ang kahalintulad na insidnete sa ating mga mangingisda
Nauna nang kinondena ng National Security Council ang paggamit ng dahas laban sa mgamangingisda na malianw paglabag sa international law.