Estados unidos, inamin umano na sila ang nasa likod ng propaganda hinggil sa Sinovac ng China

Inamin ng Estados Unidos na sila umano ang nasa likod ng pagpapakalat ng propaganda sa Pilipinas para siraan ang Sinovac na bakuna ng China noong kasagsagan ng COVID-19 noong 2020 at 2021.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Inamin umano ito ng United States Department of Defense sa isang dokumento na bene-verified pa sa ngayon.

Nakasaad sa naturang dokumento na nagkaroon ng missteps hinggil sa COVID related messaging.

Inamin din nito na “misaligned with our priorities” ang anti-vaccine propaganda, na ginawa bilang pagganti sa China matapos nitong sabihin na ang Estados Unidos ang nagpakalat ng COVID-19.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Mababatid na isa ang Sinovac sa mga naunang bakuna na naging available sa Pilipinas noong panahon ng pandemya.