Tinitingnan na ngayon ang posibilidad na nagmula sa sumingaw na LPG ang apoy na tumupok sa isang gusali sa Binondo sa Maynila.
Ayon sa Manila Fire District, lumabas sa kanilang imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa eatery sa unang palapag ng gusali.
Mabilis din itong kumalat sa ikalawa’t ikatlong palapag ng gusali, na inuupahan ng mga naging biktima.
Pito ang namatay sa naturang sunog kung saan, pito ang babae, at apat ang lalaki.
Suffocation ang posibleng dahilan ng kanilang pagkamatay.
Kung maaalala, nag-inspeksyon na ang DILG sa gusaling nasunog.
Ipinag-utos na rin ni manila Mayor Hone Lacuna ang inspeksyon sa lahat ng mga gusaling 15 taon na pataas.