Tagumpay na naisawaga sa Lobo, Batangas ang training para sa Basic National Immunization Program.

Tagumpay na naisagawa ang Basic National Immunization Program at Interpersonal Communication and Counselling Training para sa mga barangay health workers sa bayan ng Lobo.

Pinangunahan ni Mr. Dennis F. Nambio ng Relief International UNICEF ang tatlong araw na programa para.

Layunin ng pagsasanay na masolusyunan ang pag-aalinlangan sa pagbabakuna at mapabuti ang kasanayan sa pagbabakuna ng ating mga BHW.

Kabilang sa nagbahagi ng kaalaman sa training ang mga tauhan ng Batangas Provincial Health Office at ang Relief International Social Mobilizers.

Sa sampung munisipalidad sa Batangas, isa ang Lobo sa mga napili para sa programa na tatagal hanggang Disyembre.