Sumang-ayon sa 72 oras n a tigil-putukan ang ang mga naglalabang paksyon sa Sudan habang ang Western, Arab at Asian nations ay nagmamadali nang ilikas ang kanilang mga mamamayan mula sa nasabing bansa.

Ayon kay US Secretary of State Antony Blinken, ang ceasefire deal ay kasunod ng dalawang araw na matinidng negosasyon sa pagitan ng Sudan’s army at kanilang karibal na paramilitary Rapid Support Forces.
Samantala, hinimok ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang 15 miyembro ng UN Security Council na gamitin ang kanilang kapangyarihan upang ibalik ang Sudan sa democratic transition pagkatapos ng 2021 military coup kasunod ng pagbagsak ng matagal nang pinuno ng bansa na si Omar al-Bashir.
Matatandaang sumiklab ang labanan sa dalawnag grupo noong April 15 kung saan mahigit apatnaraang katao na ang namatay at libo-libo ang sugatan.//CA