Trabaho ng mangangatay ng baboy sa Naga City District Abattoir, posibleng gawing tripple shift

NAGA CITY – Posibleng gawing tripple shift o dadagdagan ang trabaho ng mga mangangangatay ng baboy sa Naga City District Abattoir.

Sa panayam kay Anselmo Maño, Acting City Officer, sinabing ito ang nakikitang opsyon maliban pa sa magdadagdag ng sampung job order bilang tulong lalo na’t ang bayan ng Pili, sa mismong sa district na din magpapakatay ng limang pong 50 baboy, at inaasahan pa ang mas maraming kakatayin.

Sa pagdagdag ng tao, nakatakda na ring dagdagan ang sweldo na kukunin mula sa income ng slaughter house. Bilang isang Local Economic Enterprise, layunin pa ng opisina na hindi lang sa kalidad ng pagkain o karne kundi ang matiyak din mas lumago pa o ang mas makagenerate ng revenue.

Dagdag pa ng opisyal tuloy din ang pagtulong o training sa mga nagkakatay ng baboy, na ang iba nagtatrabaho na sa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *