Nakaranas kahapon ng bomb threat ang Lokal na Pamahalaan ng Subic, Zambales.
Ito ay matapos na makatanggap umano ng text message kahapon ng umaga ang isang empleyado ng Barangay Affairs Office na di umanoy may bomba sa isa sa mga motorsiklo sa gilid ng munisipyo.
Agad itong inireport sa mga otoridad ng Subic na nakipag-ugnayan rin sa Olongapo City Explosives Canine Unit, Provincial Explosives Canine Unit, Zambales PPO, Bureau of Fire Subic, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, at Subic Public Order Safety Office para sa assistance.
Samantala, base sa isinagawang assessment ng mga otoridad ay klarado naman sa anumang improvised explosive devices ang lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO COURTESY: Subic MPS
