Sub section ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX), binuksan na para sa publiko

Pinangunahan ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang ceremonial opening ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Sub-section 5 mula Silang East Interchange papuntang Sta. Rosa-Tagaytay Interchange sa Cavite.

Sinabi ni Villar sa event na bagamat pinabagal ng pandemya ang implementasyon ng mga proyekto ay nagawa nilang makumpleto ang Sub-section 5 o ang 5.14 kilometers Silang East Interchange hanggang Sta. Rosa-Tagaytay Interchange ng CALAX.

Ipinunto ng kalihim na bukas na para sa publiko ang nasabing daan.

Inaasahan naman ng gobyerno na mapapakinabangan ng 5,000 motorista araw-araw ang Sub-section 5 na dagdag sa CALAX sub-sections 6, 7, at 8 mula Sta. Rosa hanggang Mamplasan na nadadaanan na ng 10,000 motorista araw-araw.

Samantala, inihayag rin ni Villar na minamadali na ang mga nagpapatuloy na konstruksyon ng subsections ng concessionaire na MPCALA Holdings upang tuluyan nang mabuksan ang 45 kilometer CALAX na nagkokonekta sa CAVITEX sa Kawit, CAvite at South Luzon Expressway-Mamplasan Interchange sa BiƱan Laguna.

Sakaling makumpleto ang buong CALAX ay mababawasan nito ang travel time sa pagitan ng CAVITEX at SLEX sa loob ng 45 minuto lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *