Pangulong Duterte, kinalkal ang COA findings sa panahon ni ex-PNOY upang dipensahan ang DOH

Kinalkal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang findings ng Commission on Audit sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III kung saan ay na-flag ang unliquidated cash advances at transfers papunta sa iba’t-ibang mga proyekto na nagkakahalaga ng P7.6-billion.

Sinabi ng Pangulo na ang mga nasabing findings ay mula sa mga opisina ng Department of Justice na nasa ilalim noon ni dating Justice Secretary Leila De Lima na ngayon ay isa nang senador at  Department of Interior and Local Government na dating pinamunuan ni Mar Roxas.

Kaugnay nito ay itinanggi ng DOJ noong 2013 na wala itong mahigit P600-million na unliquidated cash advances at nilinaw na nasa P890,000 lang ito.

Ipinaliwanag naman noon ng kampo ni Roxas na unliquidated pa ang nakwestyon na pondo nito dahil sa nagpapatuloy na implementasyon ng mga proyekto.

Isiniwalat ito ng Punong Ehekutibo sa gitna ng kaniyang pagdipensa sa Department of Health na pinamumunuan ngayon ni Health Secretary Francisco Duque mula sa findings ng COA kaugnay sa pag-transfer nito ng pondo sa Procurement Service ng Department of Budget and Management para sa procurement ng medical equipment tulad ng PPEs, test kits, at iba pa.

Nilinaw naman ni Duque na suportado ng issuance ng government procurement policy board resolution na nag-aapruba sa mas mabilis na procurement procedures sa panahon ng state of public emergency na idineklara ni Pangulong Duterte noong March 7.

Inihayag rin niya na sa ilalim ng Administrative Order no. 07 series of 2011 in relation to section 53 of RA no. 9184 ng Procurement Reform Act ay required ang mga ahensya ng gobyerno na mag-procure ng common supplies at equipment sa ilalim ng PS-DBM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *